783

Feb 19, 2020 @ 12:15
By

DJ Chacha kay Bato: ‘Wag na mag-senador, mag-bodyguard na lang ni Duterte!

Pinatamaan ng radio DJ na si Czarina Balba, na mas kilala bilang DJ Chacha sa MOR 101.9, si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa matapos nitong sabihing handa siyang mamatay para kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay DJ Chacha, dapat ay magbitiw na bilang senador si Bato at maging bodyguard na lang ng Pangulo dahil sobrang loyal umano nito sa kanya.

“I suggest mag-resign na dapat si Senator Bato sa pagiging senador at mag-apply na Bodyguard ng Presidente tutal naman ang loyalty niya ay sa Pangulo at hindi sa taong bayan,” ayon kay DJ Chacha sa kanyang tweet.

Aniya pa, tila mas mahal ni Bato si Duterte kaysa sa kanyang asawa dahil handa itong ialay ang buhay para sa Pangulo.

Nitong Martes ay sinabi ni Bato na siya’y mabubuhay at mamamatay para sa Pangulo, at inamin ding bias siya dito matapos na matanong tungkol sa renewal ng ABS-CBN franchise, na kanyang tinutulan dahil sinamantala umano ng TV network ang sambayanang Pilipino, at mas matimbang umano ito kaysa sa 11,000 Pinoy na mawawalan ng trabaho.

“Yan ang mahirap kapag mahilig kayong bumoto ng mga politikong PUPPET ang role sa gobyerno. Wag kang umasa na marunong silang tumayo at ipaglaban ang tama kase nagfufunction ang utak nila alinsunod sa pinuno nila,” giit pa ni DJ Chacha.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?