730

Feb 21, 2020 @ 16:28
By

DJ Chacha, feeling Anne Curtis sa maternity shoot

Tibay at lakas ng loob ang naging puhunan ni DJ Chacha para pantayan o gayahin ang pasabog na maternity shoot ng kanyang idolong si Anne Curtis.

Sa kanyang Instagram nag-post si DJ Chacha na mala-Anne Curtis kung saan makikita ang hubad niyang katawan at natatakpan lang ang kanyang boobs at ibabang katawan, kagaya ng maternity shoot ng noontime show host.

Biro ni DJ Chacha, feeling diyosa siya sa nasabing maternity shoot.

“Ay teka lang naman sestra @annecurtissmith, eto lang ang nakayanan ko sa ngayon!” caption ni DJ Chacha na nilagyan niya ng mga hashtag na #tibayatlakasngloob #feelingdiyosa #pasokmgabashers #telatelalangtayosist #maternityshoot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?