36

By

Divorce bill laglag kay Cayetano

Hindi pabor si House Speaker Alan Peter Cayetano sa isinusulong na divorce bill sa Kamara.

Aminado si Cayetano na mayroong tinatawag na ‘impossible marriage’ tulad ng lalaking sinasaktan o sapilitang sinisipingan ang asawa o kaya’y parehong lulong sa droga ang mag-partner at ang kanilang mga anak ang naaapektuhan.

Ngunit paniwala ni Cayetano, hindi diborsiyo ang solusyon sa ganitong problema dahil maaaring magdulot lamang umano ito ng mas malaking problema sa hinaharap dahil papayagan ang isa na muling makapag-asawa.

“My personal view, na hindi ko naman ini-impose sa buong Kongreso, is that once na mag-divorce ka, ang pupuntahan na noon, no fault divorce, ibig sabihin, ang kasalan, parang magsyota lang. Parang mag-boyfriend-girlfriend,” ayon Cayetano.

Dahil dito, mas gugustuhin ni Cayetano na maghanap ng ibang paraan ng paghihiwalay ng mag-asawa na protektado pa rin ang kasagraduhan ng kasal.

Mas mainam umanong pag-aralan kung paano gawing madali ang annulment.

“I would rather we study bakit napakahirap kumuha ng annulment. Di ba? Or any other kind of dissolution of marriage that will still protect the marriage,” dagdag ni Cayetano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?