177

By

Dismissal ng 13 ‘ninja cop’, hinarang ni Albayalde – PDEA chief Aquino

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) chief Aaron Aquino na humiling sa kanya si Philippine National Police (PNP) chief Oscar Albayalde, na dating chief of police ng Pampanga, na ipagpaliban ang dismissal order laban sa kanyang mga dating tauhan na sangkot sa kontrobersyal na drug raid sa Mexico, Pampanga noong 2013.

“I wish to explain yesterday that Albayalde called of Baloyo and others, is the truth, but also he also added during the same request, “Sir baka puwedeng huwag mo munang i-implement ang (dismissal) order.”

“Then I asked him, “bakit Oca?” where he answered “kasi mga tao ko sila”. Then I answered, “ipapa-review itong case folder sa legal at ipapatapon ko lahat ng mga tao mo sa Mindanao,” ayon kay Aquino.

Sa pagdinig ng Senado noong Lunes, inakusahan ni dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Baguio City Mayor Benjamin Magalong si Albayalde na nakiaalam diumano para hindi ipatupad ang dismissal order laban sa 13 “ninja cops”

Ang 13 pulis ay na-dismiss noong 2014 dahil sa grave misconduct kaugnay ng kuwestiyonableng drug buy-bust operation noong 2013 subalit na-demote lang noong 2017 matapos umapela noong 2016.

Si Albayalde ang acting police director ng Pampanga noong mangyari ang drug bust operation sa Lakeshore sa Mexico, Pampanga noong 2013.

Inamin naman ni Albayalde na tumawag siya subalit iginiit nitong gusto lang niyang malaman ang estado ng kaso at wala umano siyang intensiyong impluwensiyahan o humingi ng pabor kay Aquino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?