49

By

Diplomatic protest vs China iginiit ni Pangilinan

Hinirit ni Senador Francis Pangilinan sa gobyerno na maghain na ng diplomatic protest laban sa China matapos ang ginawang pag-abandona ng Chinese vessel sa tumaob na bangka ng mga Filipino sa West Philippine Sea.

“We urge our government to reverse its policy of subservience and appeasement and file a diplomatic protest. No self-respecting nation in the world will stay meek and docile in the face of such cruelty and aggression,” saad sa statement ng senador.

Tinawag din ni Pangilinan ang insidente na “inhumane at cruel”.

“We condemn the illegal acts committed by the Chinese vessel. We denounce the inhumane and cruel act of abandoning 22 human lives in the high seas,” dagdag pa ni Pangilinan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, tinamaan ang Filipino vessel F/B GIMVER 1 ng isang Chinese fishing vessel sa Recto Bank noong Hunyo 9.

Matapos ay ang Vietnamese fishing vessel pa umano ang nag-rescue sa 22 Pinoy mangingisdang sakay ng binunggo at tumaob na bangka ng mga Chinese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?