56

Dion Waiters suspendido na naman

‘Di pa rin makalalaro sa 2019-20 NBA season si Miami Heat wing Dion Waiters dahil sa panibagong suspension.

Sabi ni Barry Jackson ng Miami Herald, sinampa kay Waiters ang suspension dahil sa Instagram pictures nitong nasa bangka, matapos niyang sabihin na ‘di siya makaka-practice ni laro dahil maysakit.

“The ongoing six-game suspension, which runs through Dec. 23, was – as fivereasonssports first reported – partly the byproduct of Waiters posting Instagram pictures of himself on a boat during a period last week when he told the team he was unable to practice or play because of an illness,” ayon kay Jackson.

Bukod dito, nasuspinde rin ang Kano matapos ngumuya ng bubble gum na may THC at mawalan ng malay sa team plane.

Marami na ring nagawang team violation si Waiters ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?