84

By

Dion Waiters pasaway, suspendido na naman

Sa pangatlong pagkakataon ngayong season, sinuspinde without pay ng Miami Heat si Dion Waiters.

Ibinaba ng Heat ang desisyon nitong Huwebes.

“His failure to adhere to team policies, violation of team rules and continued insubordination,” ang idinahilan sa suspensyon.

Ibinaba ang desisyon ilang oras matapos ma-scratch si Waiters (illness) sa laro kontra Lakers.

Makakabalik siya pagkatapos ng game laban sa Utah sa Dec. 23.

Nakaltasan na ng $920,000 si Williamson sa unang dalawang suspensions – isang laro sa umpisa ng season, sunod ang 10-gamer nang mangailangan ng medical attention sa team plane dahil daw sa nakain na cannabis-infused edible.

Anim na laro siyang tengga sa pangatlo, halagang $500,000 ang kaltas sa kanyang $12.1 million salary. Nakaka-$1.4 million na siyang bawas sa suweldo ngayong season. Nasa pangatlong taon si Waiters ng four-year, $47.3 million contract.

Naga-average ng 14 points si Waiters sa Heat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?