47

By

Diokno sa bintang ni Andaya na panunuhol: Peke, walang batayan

Tinawag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Benjamin Diokno na “fake” at walang batayan ang bintang na panunuhol umano nito sa mga mambabatas para manahimik sa sinasabing P75 billion insertion sa 2019 proposed national budget.

Sa isang text message, tahasang itinanggi ni Diokno ang bintang ni Congressman Rolando Andaya na tinangka umano nitong suhulan ng P40 billion ang mga kongresista para manahimik sa isyu ng budget insertion.

“False. Another wild and baseless accusation,” ang maiksing text message ni Diokno.

Sinabi ng kalihim na isa na naman itong kasinungalingan at walang basehang akusasyon laban sa kanya.

Nag-react naman ang opisyal ng Palasyo na si Secretary to the Cabinet Karlo Alexi Nograles na nagsabing isa itong mabigat na alegasyon.

Aasahan ng Palasyo na sasagutin ni Diokno ang panibagong bintang ni Andaya dahil hindi kinukunsinti ng Malacañang ang ganitong aksiyon.

“These are very serious allegations and we expect Secretary Diokno to answer these allegations. We in the Cabinet, certainly and in the administration of President Duterte, we do not resort to things like bribing. Mabigat yung mga akusasyon, I hope it can be addressed immediately,” ani Nograles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?