23

Mar 18, 2020 @ 22:44
By

Diokno, negatibo sa COVID-19

Negatibo sa COVID-19 si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.

Nag-self quarantine si Diokno dahil may mga nakahalubilo siyang may COVID-19.

Ngayong araw, Marso 18, natapos ang kanyang dalawang linggong self-quarantine.

Kasama ni Diokno sa Monetary Board, ang policy making body ng BSP, si Finance Secretary Carlos Dominguez III na unang nag-anunsiyo na siya ay nag-self quarantine noong Marso 11.

Ayon sa kanyang tanggapan, papasok si Diokno sa Marso 19 para sa monetary board policy meeting.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?