44

May 22, 2020 @ 16:29
By

Dingdong nagpatsibog ng kapwa reservists sa mga checkpoint

Tumulong ang aktor na si Dingdong Dantes sa mga kapwa niya reservist ng Marine Affiliated Reserve Combat Service Support Battalion na naka-deploy sa iba’t ibang checkpoint sa Pasay City sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng makakain, mga personal protective equipment at iba pa.

Sa Instagram binahagi ng aktor ang larawan niya habang nakasuot ng uniform at pinasalamatan ang mga kapwa niya reservist at frontliner na nagmamando sa mga checkpoint sa Luzon.

“Refill muna bago puntahan ang mga katropa ko sa MARCSSBN na assigned sa Pasay. Bitbit ko ang ilang goodies from @wilkinsph, PPEs, at higit sa lahat — ang mainit na chibog mula sa aming tahanan. Isang pagpupugay at pasasalamat sa lahat ng reservists na volunteers at ilang linggo nang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa Luzon para tumulong sa ating mga kababayan,” caption ni Dingdong.

Ang misis ni Dingdong na si Marian Rivera ang naghanda ng pagkain para sa mga frontliner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?