220

By

Dingdong na-offend, Alice nag-sorry

WALA pang reply ang Kapamilya Network sa pinadalang letter of consent ni Dingdong Dantes hinggil sa paggamit umano ng pictures nila ng pamilya sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Fans nina Dingdong at Marian Rivera (DongYanatics) ang nagbanggit sa actor hinggil sa family photo. Hindi lang daw isang beses ginamit ang picture nilang mag-asawa kundi dalawa.

Ang una ay picture na kasama ang anak nilang si Zia. Na-photoshop ang picture na mukha ni Coco Martin at Yassi Pressman ang pinalit sa kanilang mukha, pero hindi nabago si Zia. Pangalawa, ay picture naman ni Alice Dixson at Edu Manzano ang pinalit sa face ng mag-asawa.

Ayon sa DongYanatics ang picture na ginamit para kina Edu at Alice ay nu’ng kinasal si Dingdong at Marian. Binyag naman daw ni Zia ‘yung pix na ginamit kasama sina Coco at Yassi bilang mag-asawa.

Nilagay ni Dingdong sa kanyang Facebook ang tinutukoy na photos. Ayon sa actor nagpadala na rin daw siya ng letter sa production ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Pinag-isipan daw niyang mabuti kung magpapadala ng letter o hindi, but in the nagdesisyon na rin siya dahil concern siya sa kanyang pamilya.

Sambit ng actor: “I have been deeply thinking about disclosing my response to the public. However, I owe it to the DongYanatics, to other friends who also expressed their concern, and to our family, to share our action regarding this.”

Ayon pa kay Dingdong, na-offend daw siya at sana hindi na raw maulit ang nangyari.

Samantala, nabigla si Alice hinggil sa isyung kinasangkutan ng long-time running program, “Ang Probinsyano.”
Wala raw siyang alam na picture ng mag-asawang Dingdong at Marian ang ginamit sa wedding photo nila ni Edu.
On behalf sa “FPJ’s Ang Probinsyano” humingi ng paumanhin ang aktres sa nangyari.

Nasulat ng Pep na nagpadala ng personal na mensahe si Alice kay Dingdong. “Humihingi ako ng paumanhin, Dong, if our production made a mistake like that.”

Pagtatapos ng aktres: “Alam ko na-photoshop yung picture ng face namin ni Edu. But I don’t know anything about kung sino yung pinalitan naming mukha. I hope there was no problem.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?