234

By

Dingdong bida sa ‘Descendants of the Sun’ remake

Panibagong blessing ang natanggap ni Kapuso actor Dingdong Dantes dahil matapos isilang ng kanyang misis na si Marian Rivera ang baby boy nila, inanunsiyo ang bago niyang teleserye sa GMA-7, ang Pinoy version ng Korean drama series na “Descendants of the Sun”.

Masaya umano ang aktor na sa kanya napunta ang proyekto dahil nagandahan siya sa kuwento nito.

Si Dingdong ang gaganap na Captain Yoo Si-jin o “Big Boss” sa remake, na orihinal na ginampanan ni Korean actor Song Joong-ki.

Hindi naman batid pa kung sino ang gaganap na leading lady niya na si Dr. Kang Mo-yeon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?