107

By

Dimples Romana nagpaka-‘Iron Man’ para sa anak

Literal na nagpaka-Super Mom si Dimples Romana para sa kanyang anak.

Sa kanyang Instagram at YouTube accounts, binahagi ni Dimples ang video kung saan makikita na nagsuot siya ng “Iron Man” costume para sorpresahin ang anak na si Alonzo sa 5th birthday nito.

Paborito raw ni Alonzo ang Marvel superhero na si “Iron Man”.

“Lahat ng ikakasaya ni #AlonzoRomeoJose para sa ikalimang kaarawan niya! Isang special surprise. New vlog for Alonzo’s Birthday surprise on my YouTube channel,” sabi ni Dimples sa caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?