78

By

Dimples humahabol sa yaman ni Angel

Humahabol sa yaman ni Angel Locsin ang bestfriend niyang si Dimples Romana.

Kung ang pagbabasehan ay ang mga ari-arian ngayon ng “Kadenang Ginto” star, malapit-lapit nang pumantay sa mga naipundar ni Angel ang character actress.

Sa nakaraang presscon para sa launching ng kanyang pagiging endorser ng Skin Magical (isang brand ng pampaganda), hindi nagpakiyeme si Dimples na isa-isahin ang kanyang mga naipundar.

Meron na siyang mga paupahang bahay, may mango farm na rin siya, nail spa, at marami pang iba.

Eh, dire-diretso rin ang kanyang trabaho sa Kapamilya network, kaya tuloy-tuloy lang ang pasok ng kadatungan sa kanya.

Si Angel ang inspirasyon ni Dimples sa pagpupundar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?