12

Apr 24, 2020 @ 16:53
By

DILG, pinupukpok ang LGUs para maglabas ng pondo sa COVID-19

Pinupukpok ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na tumulong sa national government na magpalabas ng pondo, upang maayudahan ang kanilang nasasakupan na nasa krisis dahil sa COVID-19.

Sa isang panayam, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat nang gamitin ng mga alkalde ang kanilang calamity fund para makatulong.

Hindi kasi sumapat ang ayuda ng national government sa mga apektado ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19, gaya ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil mas marami pa ang hindi nabigyan, kesya sa nakatanggap.

Ipinasa na rin ng ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Budget and Management (DBM) ang pamamahagi ng P5,000 financial assistance para sa mga manggagawa na naapektuhan ng lockdown dulot ng krisis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , , ,