3,280

By

DILG nakiusap kay Robredo: Kapag may nalaman sa drug war, wala sanang laglagan

Hinikayat ni Interior Undersecretary Ricojudge Echiverri si Vice President Leni Robredo na kung may mga nalalaman itong impormasyon kaugnay sa iligal na droga ay huwag naman sana silang ilaglag.

“Ang amin lang siguro, huwag sanang mangyari na kung may malaman na impormasyon, sana ay walang laglagan… You are already part of the group that finds proper solution,” ayon kay Echiverri sa isang panayam sa CNN Philippines nitong Biyernes.

Aniya, inamin ng mga miyembro ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD) na duda ang mga ito kay Robredo na isang lider ng oposisyon na makasama nila sa paglaban sa iligal na droga nang italaga ng adminstrasyong Duterte.

“Not nag-aalangan totally — not just me but the other agencies. Of course this is a new interaction from an opposition. This is the first time the administration will accept an opposition into a flagship program, which is very critical to the government,” ayon pa kay Echiverri.

Gayunman, ayon sa kalihim ay nakikita naman nila ang sinseridad ni Robredo sa pakikipag-kooperasyon sa ICAD member na malutas ang problema sa iligal na droga sa bansa, subalit umaasa umano silang hindi ito magli-leak ng mga kritikal na impormasyon sa oposisyon o sa mga laban sa ‘drug war’ na inilunsad ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Echiverri na hindi nila ipagkakait o itatago ang anumang impormasyon kay Robredo sa mga gagawing anti-drug operations maliban na lamang kung ito ay may kinalaman sa ‘national security.”

“It’s more of a reservation, not necessarily we don’t want to give information. After two meetings, medyo wala na siguro (It’s kind of not there anymore). We still have to be very cautious,” dagdag pa ng DILG exec.

Magugunitang una nang inihayag ni Robredo na ang China ang major supplier ng droga, na hindi naman sinang-ayunan ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director Aaron Aquino at iginii na ang Golden triangle drug syndicate ang major source ng droga sa bansa na may operasyon sa Myanmar, Laos at Cambodia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?