26
Digong dumalo sa FIBA Opening
By

Digong dumalo sa FIBA Opening

Isinagawa ang official Opening Ceremony ng FIBA Basketball World Cup 2019 sa pamamagitan ng magagandang palabas na hinaluan ng sunod-sunod na mahuhusay at eye-catching performances sa Beijing National Aquatics Centre na nagbubukas sa flagship event ng FIBA Biyernes ng gabi.

Ang seremonya, na inorganisa ng General Administration of Sport of China at Beijing Municipal People’s Government, ay isinagawa sa iconic 2008 Beijing Olympic Games venue na Water Cube.

Ang seremonya ay dinaluhan naman nina President Xi Jingping ng People’s Republic of China, President Rodrigo Duterte ng Pilipinas, limang national level Chinese Leaders, FIBA President Horacio Muratore, kasama ang bagong halal na FIBA President for 2019-2023 Hamane Niang, FIBA Secretary General Andreas Zagklis, FIBA Executive Committee at Central Board Members, at delegates ng XXI FIBA Congress pati na rin sa host na siyudad.

Sinimulan ang seremonya na ipinakilala ng mga kabataan ang 32 koponan na sasabak sa FIBA Basketball World Cup 2019, ang pinakamalaking bilang ng koponan na sumabak sa isang FIBA Basketball World Cup.

Unang nagsalita si Gou Zhongwen, Presidente ng China’s Local Organizing Committee para sa FIBA Basketball World Cup 2019 at FIBA President Horacio Muratore, idineklara naman ni Chinese President Xi Jingping ang pagbubukas ng FIBA Basketball World Cup 2019.

Isinagawa ang mga cultural at musical presentation ng maraming artista na kinabibilangan ng traditional Chinese costumes at sayaw. Naging highlight din ang Chinese at international star na si Jackie Chan.

Binitbit ni Yao Ming, presidente ng Chinese Basketball Association at FIBA Basketball World Cup 2019 Global Ambassador, ang FIBA Basketball World Cup Naismith Trophy sa gitna ng arena kasama ang walong kabataan na nagsisimbolo ng walong siyudad sa final performance na tinawag na “Cheer up Basketball”.

Agad na sinimulan Sabado ng hapon ang mga laro sa apat na siyudad na Beijing, Wuhan, Guangzhou, at Foshan habang ngayon sasabak ang mga koponan na magsasagupa sa Shanghai, Nanjing, Shenzhen at Dongguan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?