61

By

DiCaprio inakusahang nagpasunog sa Amazon

Isinisi ni Brazilian President Jair Bolsonaro kay Hollywood star Leonardo DiCaprio ang mga sunog sa Amazon rainforest.

Si DiCaprio raw ang nag-finance para sunugin ang Amazon rainforest matapos niyang bigyan ng pondo ang mga nonprofit group na partly responsible sa mga sunog sa Amazon nitong taon.

Sa kabila nito, wala namang mailabas na ebidensiya laban sa aktor ang presidente.

Kaugnay ito sa comment si Bolsonaro sa social media postings kung saan sinabi niyang nagbayad ang environmental organization na World Wildlife Fund (WWF) para sa mga litrato na kuha ng mga volunteer firefighter na ginamit umano para mag-solicit ng donation kabilang na ang $500,000 contribution mula kay DiCaprio.

Itinanggi ng WWF na nakatanggap sila ng donation mula kay DiCaprio o nagbayad ng photos mula sa mga bumbero.

“This Leonardo DiCaprio is a cool guy, right? Giving money to torch the Amazon,” ani Bolsonaro sa brief remarks sa harap ng presidential residence.

Pinabulaanan din ni DiCaprio na nag-donate siya sa WWF o sa anumang organisasyon na sentro ngayon ng imbestigasyon.

“While worthy of support, we did not fund the organizations targeted. The future of these irreplaceable ecosystems is at stake and I am proud to stand with the groups protecting them,” saad ni DiCaprio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?