1,473

By

‘Di pa tapos! Locsin may minura na namang journalist

Patuloy ang pagbanat ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin sa mga local journalist na pumupuna sa kanya sa pagmumura nito sa isang Inquirer reporter.

Unang sinabi ng kalihim na hindi siya magso-sorry kay Jhesset Enano, ang Inquirer journalist na kanyang minura dahil sa tweet nito na pag-report ng pag-skip ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN closing ceremony.

Dapat umano ay ito ang mag-sorry sa Pangulo at tinawag pang idiot newspaper ang Inquirer.

Sumagot naman si Marc Jayson Cayabyab, hinarap kay Locsin ang Republic Act 6713 kung saan nakasaad na dapat ay mag-perform sa highest degree ng excellence at professionalism ang mga government official.

“RA 6713 Section 4: Professionalism-Public officials, employees shall perform, discharge their duties with the highest degree of excellence, professionalism, intelligence, skill; Responsiveness to the public-(They) shall extend prompt, courteous, adequate service to the public,” saad ni Cayabyab, na dating reporter ng Inquirer.net at ngayon ay nasa Philippine Star na.

Tila hindi ito nagustuhan ni Locsin at minura rin ang reporter.

Binura din ni Locsin ang nasabing tweet.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?