24

By

‘Di pa nakaka-move on: OKC organization peke! – Durant

Hanggang ngayon ay may kinikimkim pa ring galit ang ngayo’y Brooklyn Nets forward na si Kevin Durant sa kanyang unang koponang pinaglaruan sa NBA.

Saad ni Durant, nais niya sanang bumalik sa Oklahoma City Thunder matapos lumipat sa Golden State Warriors noong 2016, ngunit dahil umano sa mga namamahala sa koponan ay hindi na niya kinukunsidera ang pagbalik dito.

“I’ll never be attached to that city again because of that,” paliwanag ni KD.

“I eventually wanted to come back to that city and be part of that community and organization, but I don’t trust nobody there. That shit must have been fake, what they was doing. The organization, the GM, I ain’t talked to none of those people, even had a nice exchange with those people, since I left.”

Sa kanyang stint sa OKC, nakasungkit siya ng league MVP award, at apat na scoring titles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?