945

Mar 29, 2020 @ 9:45
By

Di nakatanggap sa gobyerno: Lola binigyan ng relief goods ng mga netizen

Sangkatutak na relief goods ang dumating sa isang lola matapos makita itong lumuluha dahil ‘di umano siya kasama sa mabibigyan ng ayuda ng pamahalaan ng San Jose del Monte, Bulacan.

Sa Facebook group na Lockdown Diaries, pinost ni netizen Antonio Donato ang aniya’y sinapit ni Lola Ponyang.

“Tumulo ang luha ng babaeng ito matapos malamang ang may mga stub lamang ang mabibigyan ng relief goods,” kwento ni Donato, Marso 27.

“sa tulong ng mga kapitbahay na nagpatunay na walang naghahanapbuhay sa pamilya napilitan syang bigyan ng relief goods,” lahad pa niya. “hindi lamang siya ang nakaranas ng ganito patunay na hindi masinop ang sistema ng pagbibigay ng ayuda sa Sapang Palay SJDM Bulacan.”


Kahapon, ayon kay netizen Annaliza Ortiz, pinadala na ang tulong na binigay ng kapatid niyang si Edgar Rayo-Cruz at kaibigan nitong si Richard Bondoc.

“wag kana iiyak nay…From korea with ❤,” sambit ni Ortiz kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?