89
Kai Sotto sinungkit ang UAAP Jrs. MVP plum
By

‘Di ma-reach! Kai Sotto sinungkit ang UAAP Jrs. MVP plum

Hindi na palaisipan kung sino ang magiging UAAP Season 81 juniors MVP.

Ang Gilas prospect na si Kai Sotto ang nanguna sa lahat ng collegiate players sa UAAP para igiya ang kanyang koponan sa second seed sa Final Four match-up at maibulsa ang twice-to-beat kontra sa Far Eastern University.

Nag-average si Sotto ng impresibong 25.1 points, 13.9 rebounds, 3.4 assists, at 2.6 blocks kada laro, dahilan para lumobo ang statistical points sa 97.0.

“Ang focus ko lang dito is i-defend yung crown namin dahil nag-champion kami last season. Pero ang main goal ko at ng team ko is mag-champion ulit. Doon lang ako magfo-focus,” saad ni Sotto.

Ito na ang ikalawang MVP trophy ni Sotto, at nakasali rin sa Mythical Team.

Si Mark Nonoy (UST) ay nakapwesto din sa Mythical Five hawak ang 81.9 SP sa average na 21.6 points, 9.1 rebounds, at 5.9 assists.

Kasama nila ni Sotto sina Forthsky Padrigao (Ateneo) na may 64.6 SPs, RJ Abarrientos (FEU-Diliman) na kumolekta ng 61.6 SPs, at Joem Sabandal (Adamson) na sumirit ng 60.9 SPs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?