206

By

‘Di kailangan i-post ang tulong! Luis Manzano nagpatama sa mga basher

Binanatan ni Luis Manzano ang ilang basher matapos siyang punahin dahil sa pagbebenta ng mga face mask sa kasagsagan ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa kanyang tweet noong Enero 15, sinabi ni Luis na hindi porke’t hindi nagpo-post ang isang tao ng tulong ay wala itong ginagawa.

Para din kay Manzano, okay lang kahit mag-post ng mga tulong sa mga nasalanta basta’t ang mahalaga ay gumawa ng aksyon

“With everything that has been said and done, do what you want to do 🙂 gusto mo tumulong and post? Great job, gusto mo tumulong behind the scenes?” ayon kay Luis.

“Great job pa rin. But never invalidate help or someone just because it is not posted online! Laban tayo Batanguenos God Bless!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?