17

DFA: Walang nasugatang Pinoy sa lindol sa Albania

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang Pinoy na nasugatan sa magnitude 6.4 na lindol na yumanig sa Albania nitong Martes.

“The Department of Foreign Affairs (DFA), through its Philippine Honorary Consulate in Tirana, reports that no Filipino died or was injured as a result of the 6.4 magnitude earthquake that struck Albania early morning of Tuesday, 26 November 2019,” saad ng DFA sa isang pahayag.

“The Philippine Embassy in Rome, which has jurisdiction over Albania, is in constant communication with the Philippine Honorary Consulate in Tirana and the Filipino community leaders in Albania to gather the latest developments on the incident,” dagdag pa nito.

23 katao na ang naitalang patay habang daan-daan ang sugatan dahil sa malakas na lindol.

Ayon sa United States Geological Survey, ang pinakabagong lindol na may lalim na 20 kilometro ang pinakamalakas na tumama sa Albania sa nakalipas na 40 taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?