70
dfa
By

DFA staff sinibak matapos mambastos ng reporter na may kapansanan

Tinanggal sa kanyang trabaho ang isang empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) nang bastusin umano ang isang broadsheet reporter na may kapansanan.

Sa tweet sinabi ni DFA Assistant Secretary Elmer Cato na hindi na mauulit ang katulad na insidente sa iba pang mamamahayag, at inalis na umano ang naturang staff.

Batay sa Facebook post ng reporter ng Manila Standard na si Macon Ramos-Araneta, pinipilit umano siya ng naturang staff na patunayan na may polio siya.

“The medyo bald chubby man telling me they need 2see doriginal of my pwd id 2prove indeed i hav disability. he asked if its polio, when i said yes, he told guard 2check me. d guard approached me so i moved my pants upward 2show my right foot is smaller than my left. d medyo bald chubby man then asked guard, ano? guard replied, “hindi po masyadong makita kasi nakapantaon.” so i told them, “anong gusto nyo, maghubo ako here to prove i hav polio. All you nid to do is see me walk,” kuwento ni Araneta.

Para umano mapahupa ang galit niya isang babaeng staff ang nagsabi, “cge oo, bigyan ko kayo ng no. pero di ko po sure sa loob if process npassport nyo.’

Ikinuwento niya ang kanyang inis nang nasa Window 4 na umano siya at nag-sorry naman ang babaeng staff na naroon.

Nang patungo na umano siya para magpa-picture ay nakita niya ang staff na nambastos sa kanya na papalapit sa upuan niya sa receiving area.

Kinompronta niya ito at sinabing, “You were doubting if I have polio. u thought I would lie about it. Now, look at the way I wall just to prove you that indeed I have polio.”

Sumagot naman ang naturang lalaki ng, “Hindi ko po kasi kita kasi nakaupo ako ron.”

Humingi na ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin Jr., sa insidente at wala umano siyang masabi rito.

“I am at a total loss for words except that I will seriously consider a proposal for chemical castration to prevent this behavior from being passed on. I am deeply sorry,” saad ni Locsin sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?