109
dfa
By

DFA nagpasaklolo na sa Iraq, Libya para sa 5 dinukot na Pinoy

Hiniling na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang tulong ng mga awtoridad ng Iraq at Libya para mailigtas ang limang Filipino na dinukot ng mga armadong lalaki sa dalawang bansa.

“We are in touch with authorities in Iraq and Libya and have requested their assistance in locating and securing the release of our missing kababayan,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Sa ulat na natanggap ni Cayetano, dalawang Filipino ang dinukot sa Iraq.

Hinarang umano ng mga armadong lalaki ang sasakyan ng apat na Filipina habang binabagtas nila ang highay sa Uzem District, pagitan ng Baghdad at Kirkuk.

Patungo sana umano ang apat sa Kurdistan.

Nakatakas dalawang Filipina at nasa kustodiya ng pulisya habang bihag pa ang dalawang kasamahan.

Sa Libya, iniulat ng Philippine Embassy sa Tripoli na kabilang ang tatlong Filipinong tchnician sa apat na dayuhan na dinampot ng mga armadong lalaki mula sa isang waterworks project site nung Biyernes.

In Libya, the Philippine Embassy in Tripoli said three Filipino technicians were among four foreign nationals taken by armed men from a waterworks project site also on Friday.

Ayon kay Chargé d’Affaires Mardomel Melicor, pinasok ng mga armadong lalaki ang construction site na nasa 500 kilometrong layo mula sa Tripolo at sapilitang isinama ang apat na trabahador na Libyan at limang foreign workers na kinabibilangan ng tatlong Filipino.

Pinakawalan na ang mga mga binihag na Libyan at isa pang foreign worker habang bihag pa rin ang mga Filipinong manggagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?