69

By

DFA magbubukas ng 6 embahada, konsulado

Bago matapos ang taon, anim na foreign service post ang bubuksan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

“The DFA hopes to implement, with the President’s approval, congressional initiatives under General Appropriations Act 2019 to establish 6 Foreign Service Posts (embassies and consulates general),” saad ni DFA Assistant Secretary Eduardo Meñez sa PNA.

Target maitayo ang apat na Philippine Consulates General sa Barcelona (Spain), Istanbul (Turkey), Melbourne (Australia) at Nagoya (Japan) habang plano naman ang pagtatayo ng mga embahada sa Sweden at Morocco.

Sa kasalukuyan, mayroong 88 foreign service post ang Pilipinas: 66 dito ay mga embassy, 23 na consulates general at apat na missions.

Tinitingnan din ang pagbubukas pa ng mga embahada ng Pilipinas sa 2020 sa Sri Lanka, Ethiopia, Tunisia, Angola, Kazakhstan at Cuba para sa mga overseas Filipino worker. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?