53
DFA employee sa Middle East, pinagpapraktisan ang election machine
By

DFA employee sa Middle East, pinagpapraktisan ang election machine

Kinumpirma ni Commission on Elections (Comelec) Commissiner Rowena Guanzon na nagsimula na ang pagsasanay ng mga tauhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Middle East kaugnay ng nalalapit na overseas voting.

Ayon kay Guanzon, partikular na umuusad ngayon ang pagsasanay ng DFA officials sa Dubai, Oman at Beirut sa Egypt.

Sinasanay sila sa pag-operate ng Vote Counting Machines (VCM).

Sa Abril 13 nakatakda ang overseas voting at tatagal ito hanggang Mayo 13 o ang mismong araw ng mid-term election sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?