62

Mar 17, 2020 @ 15:21
By

DFA: 3 Pinoy sa Spain, pinagmulta sa paglabag sa quarantine

Pinagmulta ang tatlong Pilipino sa Madrid, Spain dahil sa paglabag sa mga quarantine rule, ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

Hindi nagbigay ng ano pa mang detalye si Locsin tungkol dito.

“3 Pinoys caught violating quarantine rules in Madrid and fined. Good. Learn Spanish, you’re in Spain. In the Philippines, learn English if you are visiting orientals,” tweet ni Locsin nitong Marso 17.

Kabilang ang Spain sa mga European nation na nagpatupad ng istriktong confinement measure laban sa coronavirus.

Isinara na nito ang kanilang border simula ngayong Martes at nagsuspendi na rin ng pasok sa mga eskuwelahan at mga negosyo, ayon sa politico.eu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?