66

Jan 21, 2020 @ 9:32

Devance nag-‘Tala’ dance

Isa sa nagpasaya sa mga fan ng nakoronahang kampeon sa 44th PBA Governors’ Cup Barangay Ginebra San Miguel sa victory party sa Metro Tent ng Metrowalk sa Pasig City ang pag-indak ni Joe Devance ng bersyon niyang uso ngayong ‘Tala’.

Kilalang game ‘pag natotokahang maging dancer, hiyaw at masigabong pinalakpakan si Devance na pagkaraan hiniling din sa ilang teammates na magpakita rin ng moves gaya ng ginawa niya.

Pinatsibog ng team ang mga tagasuporta nila bukod pa sa piga-selfie at autograph sa mga player samantalang nagdagdag ng aliw ang pag-awit sa entablado ng Rock Steady.

Pinasalamatan nina San Miguel Corporation Sports director/Ginebra governor-manager Alfrancis Chua at Tim Cone ang fans sa walang sawang pagsuporta at mga pumili na Linggo pa lang ng gabi sa venue tapos makuha ng Gin Kings ang titulo nitong Biyernes sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tinapos ng Gins ang Meralco sa limang laro, tampok ang 105-93 series-clinching win.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?