48

Sep 13, 2019 @ 16:33
By

Devance gustong mag-Gilas coach

Agaw-eksena si Joe Devance sa biglaang pagbibitiw ni coach Yeng Guiao bilang head coach ng Gilas Pilipinas matapos siyang mag-tweet at iprisinta ang sarili na pumalit dito.

Makikita sa tweet ng forward Gin Kings (@jdv_38) na tila balak nitong upuan ang binakanteng posisyon ng 60-anyos na coach matapos umuwing talunan sa 2019 FIBA World Cup sa China.

“Am I allowed to coach Gilas?!!” tanong ni @jdv_38.

Sinakyan naman ng ilang netizens ang tweet ng 37-anyos na PBA player. Ilan sa mga ito ay natuwa, habang ang ilan naman ay nanopla.

@ajcantillero1: “Still your one of the most certified to play sir @jdv_38”

@lcantazo: “comedy ka talaga @jdv_38”

@manlord327: “what type of system. Will u be using?”

@jun_I_m: “Dance coach.”

@kuyamo20: “Allowed. Next question: are you qualified to coach Gilas?!!”

@xhian27: “disrespecting coach yeng, tsk”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?