51

By

Detroit sunod na destinasyon ni Rose

Alsa-balutan si Derrick Rose sa Minnesota Timberwolves, ngayon ay tinitingnan ang Detroit Pistons bilang ikalimang koponan na paglalaruan ng youngest NBA MVP.

Ayon sa report ng The Athletic, sa unang araw ng free agency period ay magtatagpo ang Pistons management at si Rose para pag-usapan ang nilulutong two-year deal sa veteran guard.

Inaaasahan na tataas ang value ni Rose sa parating na season, nasa $6M pataas ang posibleng offer ng Pistons matapos ang pagbabalik ng porma ng three-time NBA All-Star.

Noong nakaraang season, nag-average si Rose ng 18 points at 4.3 assists kada laro, nakadalawang season sa Timberwolves ngunit binagabag pa rin ng injury, Marso ay tuluyan nang inupo dahil sa tama sa kanang balikat.

Sasamahan ni Rose sa Detroit ang dalawang big man na sina Andre Drummond at Blake Griffin, makakapalitan naman sa guard position si Reggie Jackson na nasa huling taon na ng kontrata sa koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?