135

By

Desisyon sa poll protest ni Marcos vs Robredo, binitin ng SC

Muling ipinagpaliban ng Supreme Court (SC), ang tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang deliberasyon ng draft ruling ni Associate Justice Benjamin Caguioa kaugnay ng poll protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos laban kay VP Leni Robredo.

Ito na ang ikatlong beses na naurong ang dapat sana’y botohan para sa reklamo ni Marcos.

Sa susunod na Martes, October 15, itinakda ng PET ang paglalabas ng naturang desisyon.

Nauna nang inanunsyo ng Korte Suprema ang pagtatapos ng recount at revision sa 5,415 polling precinct mula sa tatlong tinukoy na pilot province sa inihaing poll protest ni dating Marcos laban kay Robredo.

Kasabay nito ay sumugod sa harap ng Korte Suprema ang ilang tagasuporta ni Robredo.

Bitbit ang kanilang mga placard at bandila, iginiit nila na si Robredo ang nanalo at nararapat na maupong bise presidente. (Anne Lorraine Gamo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?