183

Feb 26, 2020 @ 13:47
By

Deserve ni Sarah maging masaya – Ogie Diaz kay Mommy Divine

Naniniwala si showbiz personality Ogie Diaz na balang araw ay matatanggap din ni Divine Geronimo, ang ina ni Sarah G., ang pagpapakasal ng kanyang anak kay Matteo Guidicelli.

Ayon kay Ogie, sa oras na magkaapo siya kay Sarah ay mag-iiba rin ang pananaw nito tungkol sa pagpapakasal kay Matteo.

“Lalambot din ‘yan. ‘Di ba minsan sinasabi nila na mas mahal ang tubo kesa sa puhunan? Ibig sabihin, mas karaniwan ‘di ba anak ko mahal ko. Pero once na nagkaanak siya, teka muna, wala akong pakialam du’n ako sa apo,” ayon kay Diaz sa kanyang vlog.

Sey pa ni Ogie, confident siyang mapapatunayan ni Matteo na makukumbinsi si Mommy Divine na tamang siya ang pinili ni Sarah na mapakasalan.

Nanawagan din si Ogie sa mga netizen na huwag nang patamaan si Divine dahil hindi nila alam ang buong istorya.

“Si Mommy Divine intindihin po natin ‘yan. Siya po ang may direktang koneksyon kay Sarah. Hindi po tayo. ‘Wag po nating sabihing greedy si Mommy Divine. Na ‘yung kita ni Sarah ay para sa kanila,” saad pa ni Ogie.

Sey pa ng showbiz personality, dapat umano ay maging masaya na lang si Mommy Divine sa kanyang anak dahil ang mahalaga naman ay ang kasiyahan ni Sarah.

“Ako ay sa totoo lang tuwang-tuwa dahil it’s about time na ibigay natin kay Sarah ‘yung deserve niyang happiness sa kanilang mag-asawa, sa kanila ni Matteo. At kay Mommy Divine, ang importante ito: ‘Alam mo kung nasaan ang anak mo’,” saad ni Ogie.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?