61
Derrick Rose kursunada ng Pistons
By ,

Derrick Rose kursunada ng Pistons

Maugong ngayon ang balita na tatalon mula Minnesota Timberwolves patungong Detroit Piston ang NBA star na si Derrick Rose.

Ayon sa balitang inilabas ng Detroit Free Press, kinokonsidera ng Detroit na papirmahin si Rose sa oras na maging free agent ito sa summer, dahil kailangan nila ng tutulong sa backcourt kung hindi nila mabalik si Ish Smith.

Naglaro para Minnesota ngayong 2018-2019 season si Rose kung saan nag-average siya ng 18 points at 4.3 assists sa 51 games bago tuluyang magpahinga noong Marso dahil sa injury sa siko.

Maari ring bumalik si Rose sa Bulls, ayon naman sa agent nito sa B.J Armstrong. Nasa Bulls siya nang matanggap ang MVP award noong 2010-11 season.

“I think we’re going to look at everything, we want to look at the situation,” sabi ni Armstrong sa panayam ng Chicago station 670 The Score nitong. “There isn’t a situation we would not look at because Derrick is still a very capable player. We’ll see what the Bulls have.”

Wala aniyang duda na may puwang pa rin para kay Rose ang Chicago pero hindi pa rin alam ni Armstrong kung ano’ng balak ng Bulls pero kung lalapit daw ito ay hindi silang makipag-usap dito.

Tinapos ng Piston ang season hawak ang 41-41 record at nakalusot ito sa playoffs bago tuluyang mawalis ng Bucks sa first roundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?