125

DeRozan patalo, Nuggets abante sa semis!

Nanaig ang Denver Nuggets kontra San Antonio Spurs sa kanilang gitgitang serye na umabot sa Game 7 sa iskor na 90-86.

Binalikat ni big man Nikola Jokic ang Nuggets at nagatala ng triple-double, 21 points, 15 rebounds at 10 assists habang si Jamal Murray ay may 23 points, 5 rebounds at 4 assists.

Namuno para sa Spurs si Rudy Gay na humarabas ng 21 points, 8 rebounds habang may tig-19 points sina Bryn Forbes at DeMar DeRozan. Sumahog din ng walong rebounds at anim na assists si DeRozan, ngunit siya rin ang isang dahilan ng kanilang pagkatalo.

Una ay ang pagmintis nito sa isang free-throw 1:16 natitira sa 4th canto na kung naipasok niya ay magiging 1-possession ball game na lang ang kalamangan ng Nuggets. Bumitaw naman ng clutch floater si Murray 35.9 segundo na nagpalamang sa Nuggets 90-86, at sa possession ng Spurs ay nabutata naman ni Torrey Craig ang drive ni DeRozan 29.5 segundo at sumelyo nga ito sa panalo ng Nuggets.

Naging malamig ang first half para sa Spurs, na naghahabol sa iskor na 47-34 habang 22.2% lamang sa field.

Kahaharapin naman ng Nuggets sa semifinals ang No. 3 Portland Trail Blazers na nilampaso si Russel Westbrook at ang Oklahoma City Thunder, 4-1 sa kanilang serye.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?