139

By

Deportation sa nambastos na Chinese, dapat suportahan – Lacson

Hinimok ni Senador Panfilo Lacson ang sambayanan na suportahan ang paghahabla at pagpapa-deport ng Philippine National Police (PNP) sa Chinese national na nangsaboy ng taho sa isang pulis.

Ayon kay Lacson, kailangan ng bansa na manindigan sa nangyari dahil hindi iyon simpleng kabastusan.

Maituturing na umano iyon na pagtapak ng Chinese national sa mga Pilipino.

“Alam mo, ang ginawa niya pwede nating sabihing petty o trivial. Pero ang dating sa bansang Pilipinas o sa Pilipino, hindi mo pwedeng sabihing trivial yan. Pumunta ka nga mag-MTR ka sa HK at ‘pag sinita ka may bawal dalhin isaboy mo sa pulis, tingnan mo kung saan ka pupulutin,” ani Lacson.

“Ang sampal sa atin diyan kawawa na tayo at may mangyayaring ganyan, lalo parang naha-highlight pa na kawawa talaga tayo. So dapat bilang mga Pilipino, magkaisa rin tayo na hey, maliit lang kaming bansa, mahina kaming bansa, mahirap kaming bansa, huwag nyo naman kami apihin nang ganyan, na parang kaya-kayanan nyo kami. Tayuan naman natin,” diin nito.

Idiniin ni Lacson na walang natutuwa sa inasal ng Chinese national na si Jiale Zhang at maituturing na itong undesirable alien.

“Tanungin ko kayo meron ba sa inyo natutuwa? Sa akin lang, she’s an alien and she’s undesirable so tama ang move ng PNP to have her declared an undesirable alien. At pag sinabing undesirable alien, dapat aside from the cases she’s facing dapat tuloy-tuloy i-deport na because she’s undesirable. We would not like her to be here in the country,” dagdag ng senador na dating pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?