37

Feb 27, 2020 @ 15:48
By

DepEd nakiusap sa mga airline: Flight ng 6,000 delegado ipa-rebook

Nakikiusap ang Department of Education (DepEd) sa ilang airlines company na tulungan ang may 6,000 delegadong mag-aaral, guro at mga magulang sa pag-rebook ng kanilang flight para makadalo sa tatlong aktibidad ng ahensya na una nang na-postpone dahil sa coronavirus outbreak.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nakatakdang dumalo sa national school press conference at festival of talents sa Cagayan at isang technology fair sa Quezon City ang may 6,000 katao kabilang na ang mga mag-aaral, guro at kasamang mga magulang.

Nilinaw ni Sevilla na bayad na ang naturang flight na na-reschedule ngayong Marso.

“Gumawa tayo ng negotiation or isa pong appeal to the airlines na sana po ay maintidihan tayo at matulungan. Iyong pondo po ay nagamit na natin for the initial booking,” ayon kay Sevilla.

Sa kasalukuyang ay hinihintay na lang ng pamunuan ng DepEd ang magiging tugon ng mga airline companies kung saan naka-book ang mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?