33

May 23, 2020 @ 10:41
By

Denzel Washington niligtas ang palaboy sa kalsada

Isa si Denzel Washington sa mga Hollywood actor na may busilak na kalooban.

Habang binabagtas ng Oscar awardee ang kahabaan ng West Hollywood, nakakita siya ng isang lalaki na tila palaboy sa gitna ng kalsada kung saan maraming mabibilis na sasakyan ang dumadaan.

Base sa report ng TMZ, kaagad na prineno ni Washington ang kanyang Range Rcer at nilapitan ang lalaki para malaman kung ano ang kailangan nito.

Dito na kinausap ni Denzel ang palaboy at napakiusapan ito na pumunta sa gilid ng kalsada para hindi manganib ang buhay.

Nanatili si Denzel malapit sa lalaki habang kinakausap ng mga pulis – na sa isang punto pa ay pinosasan ang palaboy ngunit agad ding pinakawalan.

Nakita rin na nakipagpaliwanagan si Denzel sa mga pulis ukol sa sitwasyon ng lalaki.

Bukod sa pagtatanggol sa mga pulis ay binigyan din ni Denzel ang homeless man ng makakain pati na rin ng face mask para makaiwas sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?