265
basura
By

DENR, tutulong na sa problema sa basura ng Maynila

Kumilos na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang pamahalaan ng Maynila upang malutas ang problema sa basura sa lungsod.

Magpupulong sina Undersecretary Benny Antiporda, pinuno ng Solid Waste Management and Local Government Concerns ng DENR at Manila Mayor Joseph Estrada kung saan tatalakayin ang maayos na pagtatapon at paghakot ng basura.

Ayon kay Antiporda, magsasagawa ng segregation upang maisalang sa recycling ang mga basurang maaari pang pakinabangan nang sa gayon ay mabawasan ang tone-toneladang basura na itinatapon ng mga residente ng lungsod.

Ang hakbang ay sa inisyatibo ng DENR matapos na lumabas sa social and mainstream media ang matinding suliranin sa basura ng Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?