126
DENR humingi ng suporta sa mga barangay sa pagpapanatili ng kalinisan ng Manila Bay
By

DENR humingi ng suporta sa mga barangay sa pagpapanatili ng kalinisan ng Manila Bay

Nais ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mangako ang mga barangay na pumapalibot sa Manila Bay at mga kalapit nitong ilog na tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga tubig bilang bahagi ng rehabilitation campaign ng pamahalaan.

Saad ni Environment Secretary Roy Cimatu na magkakaroon sila ng meeting kasama ang opisyales ng 337 barangay sa Lunes, March 18 upang ipaalala sa mga ito ang kanilang mga gampanin sa pagpapanatili ng kalinisan ng Manila Bay.

“The success of the rehabilitation effort hinges on the support from the local government units, particularly the barangays, which are actually the frontliners in the cleanup, rehabilitation, and preservation of the waters of Manila Bay,” saad ni Cimatu sa isang pahayag noong Linggo, March 17.

169 sa naturang 337 barangay ang nakapwesto malapit sa Pasig-Marikina-San Juan rivers, habang 68 naman ang malapit sa Malabon-Tullahan-Tinajeros rivers.

Ang 40 barangay naman na malapit sa Muntinlupa-Parañaque-Las Piñas-Zapote rivers ay magiging bahagi rin ng forum.

Maginag ang 42 barangay sa Pasay City at 18 barangay sa Navatos City ay kasama rin sa forum ng DENR.

Ang mga barangay na ito ay magiging bahagi rin ng plano ng DENR na clean up sa mga estuary at waterways na gaganapin sa March 31.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?