64

Dennis balak sundan ang yapak ni Eddie Garcia

Aminado si Dennis na kahit ang dami na niyang nagawang teleserye, iba raw talaga ang challenge sa kanya ng character niya ngayon sa Cain at Abel.

Isa pa sa kakaiba kay Dennis ngayon na ginagawa raw niya sa primetime series nila ni Dingdong, humaharap din sila sa creatives ni Dingdong at tumutulong daw sila sa creative process.

Sabi nga ni Dennis, “Habang tumatagal, mas gumaganda ‘yung working relationship namin. Dati, noong bata-bata, iba usapan namin. Hindi naman kami nakikialam. Ginagawa lang namin ‘yung mga binibigay na eksena. Pero siyempre ngayon, mas nag-matured na kami, may mga sarili rin kaming ideas na naise-share.”

Katulad ni Dingdong na nakakapagdirek na. Hindi pa raw niya masabi, pero karamihan naman daw ng iniidolo niya na haligi ng industriya ay mga actor/director rin.

At isa nga sa ibinigay niyang halimbawa ay si Eddie Garcia. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?