154

By

Demanding! Ball ayaw sa Pelicans, target ang Suns

Isang problema pa ang posibleng kaharapin ng Los Angeles Lakers sa katauhan ni Lonzo Ball.

Sa report ng Los Angeles Times, Phoenix Suns ang gustong salihan ng sophomore guard kung sakaling ilipat siya ng Lakers.

May ‘mutual interest’ umano ang Suns organization at si Ball, at hindi kasama ang Pelicans sa sunod na koponang irerepresenta.

Balitang kasama ang kanyang pangalan sa panliligaw sa New Orleans Pelicans para masilat ang serbisyo ng six-time All-Star na si Anthony Davis.

Ayon kay Brad Turner ng LA Times, si Ball, kasalo sina Kyle Kuzma, Brandon Ingram, Ivica Zubac at first-round pick ang mga posibleng ibigay na piyesa ng Los Angeles para kay Davis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?