147

By

Delivery driver arestado sa ‘pagsasariling-sikap’

Dinakip ang isang food delivery driver matapos magsalsal makaraang maghatid ng pagkain sa kustomer.

Ayon sa ulat, nahuli si Uber Eats driver Vinicius Porto habang nagma-masturbate sa kanyang SUV noong June 14 sa New Jersey, United States.

Nagtaka umano ang 23-anyos na kustomer kung bakit hindi naka-secure ang bag of food na dineliver sa kanya kaya nilapitan niya ang SUV ni Porto na naka-park pa sa labas ng kanyang bahay.

Nakita niya itong nagpapaligaya ng sarili sa front seat na agad niyang ini-report sa pulisya sa pamamagitan ng telepono.

Kinabukasan inaresto si Porto at kinasuhan ng lewdness.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?