43

By ,

Dela Peña binuhay ang Batangas-EAC

Buhay pa rin ang pag-asa ng Batangas-EAC Generals na makatungtong sa playoffs ng 2019 PBA D-League.

Naitakas ng Generals ang 91-90 dikit na panalo kontra Family Mart-Enderun College Titans Lunes sa JCSGO Gym sa Cubao.

Bayani ng Generals si Chris dela Pena nang ipasok nito ang kanyang game-winning layup sa huling 13.8 na segundo sa final frame.

Rumehistro ng 12 puntos si Dela Pena kasama ang tatlong rebounds para tulungan ang Generals na tuldukan ang four-game skid at bahagyang umangat sa 2-5 baraha sa Aspirants Group.

“Last time, I told them that we should learn how to win. This game, the effort was there and I’m very proud of them na kahit paano ‘yung instructions, nasunod naman,” sabi ni EAC coach Oliver Bunyi.

Nanguna naman si Earvin Mendoza para sa Generals na may 18 markers at apat rebounds habang may sahog na 14 puntos si Marvin Taywan.

Pumoste naman ng 30 puntos si Valandre Chauca para sa Family Mart, na ngayon ay eliminated na sa playoff contention hawak ang 0-6 na kartada.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?