85

By

Dela Hoya sinubukan daw ipasok ang kamay sa ari ng nurse

Nahaharap sa kasong sexual assault at battery si former boxing champ Oscar ‘Golden Boy’ Dela Hoya.

Ito ay matapos sampahan ng reklamo ang 46-anyos na dating boksingero sa Los Angeles County Superior Court.

Sa salaysay ng umano’y biktima na isang nurse, nangyari ang insidente noong 2017 nang imbitahan siya ni Oscar sa kanyang bahay sa Pasadeña, California kung saan dito na naganap ang akusasyon ng biktima na “overpowered her and suddenly and forcefully pushed his hand and fist into (her) vagina,” ayon sa report.

Magugunitang sina Oscar De La Hoya at Senator Manny Pacquiao ay naglaban December 6, 2008 sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada kung saan binansagan ang sagupaan ng dalawa na `The Dream Match’.

Panalo ang fighting senator kontra Mexican boxer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?