40
Defending champs Lady Chiefs binuhay ni Ebuen
By ,

Defending champs Lady Chiefs binuhay ni Ebuen

Nakahirit ang Arellano University Lady Chiefs ng winner-take-all kasunod ng 23-25, 15-9, 25-18, 22-25, 15-12 panalo Biyernes ng gabi sa Game 2 ng best-of-three finals sa NCAA Season 94 women’s volleyball action sa The Arena sa San Juan.

Sa gitgitnang five-set match ng dalawang tropa, pinakita ng mga ito kung gaano kahigpit ang kanilang kapit para masikwat ang titulo ngayong season.

Pero hindi naging madali para sa defending champions na makabawi at maipwersa ang isang decider dahil na rin nanakawan sila ng dalawang set ng Lady Altas.

“Unang-una binalik namin ‘yung posisyon namin sa eliminations, so sinugal ko ulit. Sabi ko nung eliminations nanalo tayo tapos tinuloy ko ulit. Nag-adjust pa kami doon sa receive namin saka dun sa block at kahit papano napigilan namin si (Cindy) Imbo,” sabi ni Arellano coach Obet Javier sa post-game interview.

Masusungkit na sana ng Lady Chiefs ang laro sa fourth set habang tangan nito ang 17-14 na kalamangan pero muli na namang umakate si Imbo at sunod-sunod na nagpakawala ng kills.

Sa fifth-set ay tuloy-tuloy ang pag-alagwa ng dalawang tropa hanggang sa angkinin ng Arellano ang momentum, 11-8, kasabay ng pag-ingay ng seventh man nito pero nagawa pang maibaba sa 14-12 ang laro hanggang sa selyuhan ni Necole Ebuen ang laro, 15-12.

“Nagkaroon lang po talaga kami ng communication sa court ta’s parang lahat ng tinuro ni coach sa amin na-apply po namin kanina,” wika ni MVP Necole Ebuen na tumapos ng 18 puntos sa likod ng 18 kills.

“Ayun nagkaroon lang kami ng team work lalong-lalo na ‘yung communication. Magkamali man kami o maka-iskor pinaguusapan po namin talaga,” ani Regine Arocha na may 12 puntos sa kanyang pangalan.

Sa Martes, Pebrero 12 ang Game 3 ng Finals at dito masusukat kung sino ang mas uhaw sa kampeonato ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?