787

Dedma sa coronavirus! ‘Chinese’ kumakain pa rin ng paniki, daga

Kahit pinaghihinalaang mula sa paniki, daga, o ahas ang Wuhan coronavirus, may mga umano’y Chinese national na kumakain pa rin ng bat soup.

Kumalat sa Twitter ang video ng isang babae na sinusubo ang isang nalutong paniki, habang may hiwalay namang video na tinutukan ang paniki na nakasahog sa sabaw.

Meron ding viral video kung saan kumakain ng umano’y buhay na bubwit na daga, na sinawsaw lang sa sauce at sinubo na ng isang singkit na lalaki.

Pinaniniwalaan sa China na nakagagaling ang paniki sa maraminig sakit, gaya ng ubo, malaria at gonorrhea.

Samantala, nakagagaling naman umano ang tae ng nasabing hayop sa mga sakit sa mata, ayon sa Chinese herbology book na Ben Cao Gang Mu.

Naniniwala ang mga Chinese health official na nagsimula ang virus sa dugyot na Wuhan Huanan Wholesale Seafood Market na nagbebenta ng mga wild at exotic animals bilang pagkain.

Ang mga sinasabing exotic food ay kinabibilangan ng foxes, crocodiles, wolf puppies, giant salamanders, snakes, rats, peacocks, porcupines, camel meat at iba pa.

Karamihan umano ng mga pasyente ay manggagawa o customer ng food market.

Ngayong Biyernes, Enero 24, kinumpirma na ng mga Chinese authority na 25 na ang namatay habang 830 na ang kumpirmadong kaso sa China ng novel coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Wuhan, China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?