109

By

Deadline dinedma! Basura ng Canada ‘di pa kinukuha, Locsin nabanas

Naubos na ang pasensya ni Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin matapos hindi sundin ng Canada ang napagkasunduang petsa kung kailan dapat hakutin ang kanilang mga basura na dinala sa bansa.

Ayon kay Locsin nagpadala na sila ng sulat sa mga consul at ambassador ng nasabing bansa dahil sa basurang hindi nakuha.

Nalaman din ni Locsin na hindi sumipot ang Canada sa Japanese enthronement ceremony na mas lalo umanong ikinagalit ng kalihim.

“That the government may consider a 2 to 3 week delay DOES NOT EXTEND THE DEADLINE. Our diplomatic presence in Canada shall be de minimis. At the Japanese enthronement ceremony, DOF informed me that Canada did not show up at a meeting with Customs and that was the trigger,” giit nito.

Aniya pa, napag-alaman niyang may mga ilang Pinoy official na gustong mag-migrate sa Canada kaya’t nilalabag umano ang utos ng administrasyon para maalis ang basura sa bansa.

Kaya naman kanyang iniutos na bumalik na sa Pilipinas ang mga ito dahil sa tingin niya’y incompetency sa isyu.

“@DFAPHL to our posts in Canada: You have your orders. You are recalled. Get the next flight out,” saad ni Locsin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?