313

By

Dead or alive para sa mga rebeldeng estudyante: Duterte walang pake kahit magsara ang PUP

“Kayo diyan ‘yang pwede nating sarahan ‘yang PUP. Wala akong pakialam sa kanila. Go ahead.”

‘Yan ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ilang araw matapos nitong tablahin ang bill na magbibigay sana sa Polytechnic University of the Philippines ng ‘national university status’.

Sa panayam ni Duterte sa mga reporter nitong Martes, sinabi niya na marami umano kasi sa mga estudyante ng state university ang sumasali sa mga komunistang grupo, at sinisi pa ang mga magulang dahil napapabayaan na sumali ang mga ito sa rebeldeng grupo.

“Then maghanap kayo ng armas. ‘Pag makita kayo ng sundalo o pulis, ang order ko nga dead or alive, patayin mo… You want to go to the mountains, demand, extort food? Go ahead. Gusto ninyong may galit kayo sa mundo kasi ganyan kayo at ‘yung iba meron, ikaw wala? Eh, hindi na kasalanan ng gobyerno. Kasalanan ng magulang ninyo ‘yan,” giit ng Pangulo.

Matatandaan na naging sentro ng atensyon ang ilang unibersidad sa Manila dahil sa pagkawala ng ilang estudyante na sinasabing nahikayat ng mga makakaliwang grupo na umanib sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?